Friday, May 5, 2006

Mahirap Maging Bunsoy

Bakit kung minsan ang magulang, di na nakontento. Di ka naman nag da drugs, may mali pa rin sayo. Di kana naman nagpapakapokpok (sana nga nagpakaganito na lang ako e di sin sana an dami pang action sa buhay ko) may mali pa rin sayo. May trabaho kang marangal (pero abusado) at nagbibigay ka naman sa bahay, tatanungin ka kung bat wala kang naiipon. Asa bahay ka na nga at di gumagala, kukulitin ka pa ng ‘linisin mo nga ang kama mo!’( Ma, I’m so sorry I wish I was an OC, really, but I’m not.) Umuuwi ka naman ng tamang oras (3AM), may mali pa rin sayo. Okay, with that sige, mali talaga umuwi ng alas tres ng umaga on a weekday pero at least di nako sumuka sa bahay, yung tanong pa nila na ‘nagyoyosi ka ba?’ with matching excuse na ‘hindi ako! yung mga kasama ko…’ (yeaaahhh right).


And I’m nearing my thirties na ha. Feeling ko I’m still 18.


WHEEERE? WHEEERE IS MY LIBERATOR?!!! Magpakita ka na and whisk me away para magkaroon man lang kulay ang buhay ko.

Sa bagay decades from now when I’m already in Italy (yooo-hooo!) I’m sure I’ll miss these times like hell. Sana lang yung future ombre ko (kelangan balahurain ang wordings, baka binabasa nya) won’t make me gulpe.


P.S. right now, papunta pakong office para mag OT hanggang hapon on a Saturday mind you.... When does my life belong to meeeeeehhhh???!!!

0 comments:

Post a Comment

 

My Playpen Design by Insight © 2009